Tuesday, September 20, 2011

ISANG TAON NA AKO!

Wow isang taon na pala ang blog ko at apat pa lang ang entries! Masaya naman kahit hindi ko masyado binibisita ang blog ko naka 134 views na ako! Sana naman sa 134 na ito kumaway naman kayo sa akin at hindi ako suplado hehe. Musta naman? Binasa ko ulit ung mga sinulat ko dito at ang ganda ng pakiramdam na na capture ko ang emotion sa mga panahong iyon. Medyo madami pa akong gustong ibahagi yung ipapakita ko ang totoong ako kaso nga lang busy ako sa trabaho at ano pang anik anik. Last week lang ay umuwi ako sa probinsya ewan ko ba everytime uuwi akong probinsya nagiging emotero ako pagadating ng maynila, iba kasi ang pag goodbye ng parents ko sa akin, kung sa iba parang matching tears na beso beso sa akin matching tears din naman dahil sa bugso ng pagkagalit. Sigawan ng mama at papa ko na halos itapon na nya ang sungkod sa akin, ganun sila ka sweet! Ewan ko ba sinabihan ko nga papa ko ano ba ginawa ko at ganun kayo kagalit sa akin. Napatanong din ako bakit kaya galit parati si papa sa akin. Kung ako excited sa pag uwi sila excited lang ata kung ano pwede mabigay sa kanila. Ano bang merun sa mukha ko at ang bilis lng nilang magalit sa akin. Wala naman akong matandaang may ginawa akong mali. Siguro ang mali ko lang mahirap lang ako, madami akong kapatid na pinag aral at ang matira sa kanila ay kunti na lng. Pero hindi naman ako nagkulang sa pagbili ng isang sakong bigas every 15th day. Yung tricycle naman may araw araw silang makukuha sa renta, mayrun din naman silang pension. Kung tratuhin ako ng tatay ko parang wala akong naitulong sa kanya. Nagbulag bulagan sila sa mga gingawa ko, sa mga sakrispisyo ko, hindi na rin ako bumabata pero nakatuon pa rin ang attention ko sa kanila. Yung mga ganung pangyayari parang sanay na rin ako, pagkatapos ng hindi pagkakaunawaan ay magiging ok lahat. Niintindihan ko sila kasi magulang ko parin, walang ibang taong nakakaintindi sa kanila maliban sa amin. Kumbaga sa kompanya, parang mga power trippers sila na bossing, dahil ba magulang sila madali na lang sa kanila na sigawan ka?Nakakalungkot din kasi narerealize ko indi kaya dahil sobrang understanding ko kaya ganun sila sa akin. Nakakapagod din pero kailangan kong magpatuloy alang alang sa mga kapatid ko na nag aaral pa. Pakiusap ko lang sa mga kapatid ko na sana magpursigi sila sa kanilang pag aaral habang kaya ko pa silang pagsikapan. Huwag sana silang magaya sa isa kong kapatid na pagkatapos mag aral ng kolehiyo ay nag aasawa agad sa isang mapagpanggap na marine kuno. Ngayon malaki na ang tyan at pareho silang standby sa bahay. Andun na ako mabait pero anong magagawa ng pagiging mabait kung standby ka lng? Kaya indi ko na sya kinausap nung umuwi ako imbes na pagsampalin ko sya, deadma na lng sya sa paningin ko. Naaawa ako sa kalagayan niya pero kailangan kong I-control ang sarili ko kasi aabusuhin na naman ako. Yan ang naging desisyon niya sa buhay kaya paninindigan nya yun. Nag sarili sya sa kasarapan huwag naman niya kaming idamay sa kahirapan. Naawa ako ng sobra sa kanya pero kailangan kong magtimpi kasi paano yan tatanda na lng ba ako sa buhay na forever silang tutulongan sa lahat? Ayaw kong kaawaan ko ang sarili balang araw. Gusto ko ring magkaroon ng sariling buhay. Gusto kong makapagpondar ng mga pangarap ko sa buhay. Hindi na rin ako bumabata kaya pahalagahan nila ang tulong ko sa kanila sa ngayon. Gusto ko lang silang magkaroon ng magandang buhay, sana ipakita naman nila sa akin na its all worth the sacrifice! Hindi naman pwedeng basta makatapos lng sana tuparin nila ang pangarap nila sa buhay, sa aming lahat. Para sa kanila din naman lahat yun. Hindi ako naghihingi ng kabayaran gusto ko lang mapabuti ang buhay nila. Hindi naman kami mayaman kaya alam kong nagnais din nilang mabago buhay nila, huwag silang madulas sa tukso ng buhay, labanan nila ang hirap, labanan nila ang tukso, isipin nila ang paghihirap ko, isipin nila ang buhay nila. Alam kong mahirap pero kailangan nilang labanan ang buhay. Sabi nila indi daw sila kasing talino ko kaya huwag akong magkumpara. Ako'y naniniwala na ang talino ay hindi pinagkait kahit kanino, nasa bawat isa yan, kailangan mo lng isiping mahusay ang buhay kung paano ka mamuhay ng may dangal at higit sa lahat pananalig sa Diyos.

Minsan naisip ko kailangan ko ring respetuhin ang sarili ko. Madami akong pinagkait sa buhay ko pati ba naman respeto ay ipagkait ko pa sa buhay ko?Sana naman huwag nilang ipagkait sa akin yun kasi namuhay naman akong mabuting anak, kapatid at tao. Ako'y simple lang, simple akong mamuhay, pero matayog ang pangrap sa buhay. Akala ko pasensyoso akong tao pero napakabigat na salita pala niyan, wala pala ako niyan kasi nasubukan ang pasensya ko sa pagsubok at tila gusto kong magpakawala pero naisip ko kawalan ko rin kung magpatalo ako. Kailangan ko pa ring lumaban hindi dahil sa pamilya ko kundi dahil sa buhay ko. Dapat mahalin ko rin ang buhay ko dahil at the end of the day kahit sarili mong pamilya ay pwede ka nilang saktan. Make reservation for yourself so that incase no one's left you to be your side, you have yourself to keep you going. Kaya yun yung nagbukas sa diwa ko ngayon na mahalin ko ang sarili ko. Sikapin mong maging masaya kahit mahirap. Ayaw kong dumating ang oras na maiba ang landas ko dahil sa bugso ng galit. Maging mahinahon sa buhay. Mayrun at mayroon pa ring nagmamahal sa iyo kahit papano. Isipin mo sila, sila ang unang masasaktan pag ika'y nasasaktan. Kahit hindi mo man sila kilala o nakikita na mahal ka nila, isipin mong meron. What you sow is what you reap. Kahit papano'y namuhay ka naman ng mabuti kaya may mabuting loob din na babalik sayo. At alam kong mahal ako ng Diyos gaano man ako kasama, iyon ang panghahawakan ko mahal ako ng Diyos at sya ang unang masasaktan pag pinbayaan ko ang sarili ko.

Tuesday, January 4, 2011

5 Remaining days of 2010


Balik naman sa Ofis..

Happy New Year!

Balik na naman ako sa ofis, parang wala lang nangyari parang ok lang ang lahat, parang balik lang sa dati.Sana nga naging ganun nga ang nangyari pero hindi.Sana nga huminto na lang ang paglipas ng oras.
Limang araw din akong nagbakasyon sa amin sa probinsiya excited ako dahil ito yung kumpleto kaming lahat,at sobrang humabol ang biggest disappointments in just 5 remaining days of 2010 andaming turning point sa buhay ko. Ito kasi yung bakasyon ng kapatid kong seaman na first time mag Christmas and New Year after 2 years niya sa paglalayag. Ako naman nagpapasalamat kasi i was permitted to go on leave dahil dito ako nagtratrabaho sa Manila at sobrang pahirapan kung mag leave kasi busy pag December year end kasi. Everything was planned na talagang magcecelebrate kami bilang pagpapasalamat na kami ay kumpleto at sa biyayang natamo namin sa buhay.. sa wakas mag lechon din kami for the first time..

Hindi agad ako umuwi ng bahay kasi may reunion pa kami sa high school..ito din yung first time kaming magreunion after 11 years..napakasaya nagkikita kita ang dating magkakaklase nang biglang may nag txt sa akin, yung kapatid kong babae na magtatapos na ng kolehiyo this march hindi na raw umuwi ng bahay for two days..sumama sa boyfriend..parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko..I tried to call her number many times but I could hardly reach them, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya kasi hindi ko pa kilala ang boyfriend niya, ayaw kong sayangin ang napakatagal naming plinano na mag reunion, tinago ko lang sa sarili ang lahat ng pangyayari..ang hirap pala talagang maging artista, you have to conquer your emotions so people won't recognize your sadness that you have problems,ayaw kung umepal sa eksena dahil reunion ito tuloy pa rin ang pag host ko ng games, the whole time i tried to be happy, nagwish ako sana matapos na ang gabi para hanapin ko na ang kapatid ko. The whole night hindi ako makatulog halos mapudpud na ang daliri ko sa kakatixt nagmamakaawa na magreply naman sa mga text ko at kung ano na ang nangyari sa kanya, kung anong problema niya bakit ginawa niya sa amin ito. Nagtxt ako na huwag siyang matakot andito pa rin ako maiintindihan ko siya..

Ang kapatid kong babae ay matangkad, maputi at matalino. Mataas ang pangarap ko sa kanya. Sa anim na taon kong pagtratrabaho sa Manila, lahat ng sweldo ko nakatuon sa lahat ng mga kapatid ko. Minsan nga naisip ko siguro kasalanan ko rin kasi lahat ng luho ng kapatid kong ito binibigay ko kumpara sa ibang mga kapatid ko. Minsan nahuhuli ko siyang niloloko niya ako pero pinapatawad ko lang kasi sa isip ko babae kasi kailangan ng mga gamit. One time nahuli ko siyang ginawang doble ang tuition pero pinapatawad ko pa rin.Very open ako sa kapatid kong ito. Strikto akong kuya pero lahat ng suporta ko itinuon ko lahat sa kanila. Ang pangarap ko ay ang pangarap nila. Ang dami kong sakrispisyong pinagdaanan, hindi ako nagtuloy ng isang taon para mag accountancy kahit dean's lister ako dahil sa isip ko sabay na kaming magcollege at kailangan ko ng kumayod para tuloy tuloy ang pag-aaral nila. Mahirap lamang kami naging working student ako para matustusan ang pag-aaral ko hanggang natapos ako kaya ganun na lang ang suportang ibinibigay ko sa kanila kasi napagdaanan ko na ang lahat ng hirap ng isang estudyante, lahat ng kailangan nila binibigay ko buong pag-aakala ko maging maayos lang ang buhay nila at magpapasalamat na kahit mahirap kami ay naitaguyod ko pa rin ang pag-aaral nila. May mga assignments at project siya na ako yung gumagawa even through text para lang mabalanse ang mga accounting problems kasi hilig ko ang pag-aaral masaya naman akong tulungan siya para marefresh din ako. Pag may problema siya ako ang tinatakbuhan niya. Mabait akong kuya pero sobrang sama ko pag nagsisinungaling sa akin.

Laking pasasalamat ko dahil ito yung first na kapatid kong maggraduate na sinusuportahan ko. Kumbaga kahit wala akong nabili for myself pero masaya ako dahil makakatapos na rin ako ng isang kapatid ko. Ito yung pinagyabang ko that educatuion for my siblings is my investment. Lima kasi sila, tatlong college at 2 high school. Sa isip ko sana makatapos na siya para tulongan naman ako para sa ibang kapatid namin mag college na rin kasi ung isa sa susunod na pasukan. Sunod sunod kasi sila kaya buong akala ko talagang pursigido siya sa pag-aaral dahil nakikita niya yung paghihirap ko. Lahat tiniis ko dahil kasiyahan ko na makatapos sila at maging successful sa buhay para hindi kami api apihin at kahit papaano ay magandang bukas ang haharapin niya. Hindi ko naman siya pinagbawalan mag boyfriend para hindi siya masakal sa akin pero hindi ako nagkulang ng paalala sa kanya na mag-aral ng mabuti at huwag maging seryoso sa pagpasok ng relasyon. Plinano pa naman namin na dito siya sa Manila pagkatapos niya sa college para may kasama na rin ako at dito na rin siya hahanap ng mapapasukan.

Talagang gumuho ang mundo ko sa ginagawa niya siguro dahil nakaikot lang sa mundo nila ang mundo ko. Napakasaklap ng New Year ko talagang tinuon niya pang gawin lahat ng ito sa pag-uwi namin na talagang sabik na makita sila. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa talagang nilibot ko ang lugar kung saan sila posible nagtago sobrang galit ako pero napagod din dahil wala akong makitang anino ng kapatid ko,wala pa akong tulog at sobrang init ng araw, ang saya talaga ng bakasyon ko galing Manila, umuwi na lang ako sa boarding house at natulog, umiyak ako nag-iisip kung saan na ang kapatid ko iniisip isip ko baka pinilit lang ng lalaki, parang panaginip lang ang lahat, parang bangungot lang. In denial pa ako baka nasa kaibigan lang at sana sa pag-uwi ko sa bahay maabotan ko siya at maging masaya siya sa mga pasalubong ko. Talagang nananalangin lang ako,hindi nagtagal nagtxt din sa akin at tinawagan ko sila, kahit papaanoy naging masaya ako sabay sabi ko na magkita kami sa boarding house bago siya umuwi ng bahay.

Ako ay umaapoy sa galit pero nanalangin lang ako that God's grace and wisdom will be upon me so I can control the situation despite what happened. When we finally met humupa naman ang galit ko at nagbeso kami at yun tinanong ko sila ng maayos kung ano ang ginawa nila, kung hindi pa tinakot ang lalaki na iblotter siya hindi pa sila nag-iisip na umuwi. Talagang gusto kung sampalin ang kapatid ko at pagtadyakin ang lalaki pero tiniis ko lang para sumama sa akin na umuwi ng bahay. Mga kapatid ko tinixt ko na maging mahinahon sa pag-uwi namin, pag-uusapan namin ng maayos ang problema.

Pagdating namin sa bahay talagang nagkaroon ng kunting kaguluhan pero nagpapasalamat ako na nanduon ako kasi kung hindi magiging kriminal pa ang mga lalaki kong kapatid dahil pinagsusuntok ang lalaki. Mga kapatid kong nag-aaral din ng college. Di kalaunan naging maayos din ang usapan namin na magtatapos muna ng pag-aaral ang kapatid ko kasi tatlong buwan na lng. I told them that we will be back to normal para maging masaya ang salubong natin sa bagong taon. Ang lalaki binigyan ko pa ng pera para makauwi sa kanila dahil hinihintay na rin siya ng kanyang mga magulang 21 years old pa lang kasi at wala pang trabaho.
Naging masaya naman ang bagong taon namin dahil kahit papano naging kumpleto kami ulit hanggang nakikiusap ang nanay ko sa akin dahil nag-iiyak ang kapatid ko, gusto na raw niya na mamanhikan na ang lalaki para matabunan ang kahihiyan. Nahihiya na raw siya sa mga tao, sabi ko naman huwag mong isipin ang ibang tao isipin mo ang sarili mo dahil wala talaga siyang magandang future sa lalaki dahil bukod sa walang trabaho high school lang ang natapos. Sabi ko basta tapusin mo lng ang pag-aaral mo ok na sa akin kahit ano gagawin niya, oras na magbago ang isip niya punta na lang siya ng Manila para makalimutan niya ang lahat. Ang hiningi ko lang sa kanya huwag muna silang magsama sa isang bahay para pagtuonan niya ang pag-aaral niya, kung handa na ang lalaki na pakasalan siya wala na akong magawa kung yun ang gusto niya. Oras na sumama pa siya sa lalaki huwag na siyang mag-expect na susuportahan ko siya at hindi na siya welcome sa bahay. Nagpromise naman siya na tutuparin niya ang lahat ng usapan namin.

Bago ako bumalik ng Manila binigyan ko pa ng pera para sa allowance niya, bayad niya daw sa utang sa classmate niya at papaayos niya ang ngipin niya. Umalis ako ng bahay at pauwi na ng Maynila na panatag na ang loob ko na naayos ko rin ang problema, back to normal pa rin at bibigyan ko pa rin ng second chance ang kapatid ko, ibibigay ko ang last drop of my understanding sa kanya. Uuwi na rin ako ng Manila at kakayod na rin for my family.

Before I leave the house, we had an argument with my father, his one foot got amputated and he's still thesame ruthless father. Akala ko nagbago na nang naputulan ng paa pero napakasakit, hindi naman na binibilangan ko siya pero wala pa rin siyang respeto, sinisigawan pa rin ako at balak pa ata akong pagsusuntukin. Paano kasi ang yabang lahat ng tao pagbumibisita sa bahay balak bigyan ng pera hingi ng hingi sa akin. Hello hindi naman ako nag-abroad hindi lang nila alam sobrang laki na ng utang ko. Humingi ng pera sa akin pambayad daw sa nasanla niyang lupa. Magkano sinanla at ano ang ginawa niya sa pera, pinagsusugal lang pala. Hindi man lang nahihiya si papa na pinagtitinginan siya sa sabongan na isa na lang ang paa. Ang atm pension niya sinanla niya na hindi ko alam. Napupuno na ako dahil lahat ng gastusin ako ang gumagapang tapos sila nanglulustay lang ng pera lahat na ng gastusin ako ang umako pati sa medesina niya na sobrang mahal. Kahit yung isang kapatid kong seaman ayaw akong tulongan, ang pera na sanay pangbahay namin binibili pa ng sasakyan. Aanhin namin yun sana naisip man lang niya na tulongan ako sa mga tuition ng kapatid namin at sa mga gastusin. Ako na lang ba ang nag-iisip sa pamilya namin.?Sobrang nakakalungkot ano ba tong nangyari sa amin napapgod din ako na tagasalo ng lahat. Nagkandahirap kami noon dahil sa pagsusugal niya pati ba naman sweldo ko uubusin sa sugal niya?Pero I still guard my heart that I still have to support my other siblings. I even cried with them that they have to strive hard and always pray that I will always be strong to continue supporting them. My mom would want to go with me but I told her to take care of my younger siblings. I have plans to buy house here in cavite so I can bring all of them here except my dad.

I even cried with this sis to pursue with her studies, that I'm willing to take care of the child should she gets pregnant but please concentrate on your studies and dont go out with this guy anymore. Then if she will she has to face her future without my help and I would not want to see her again. Sabi ko kunting tiis na lang matatapos din siya. And she promised to take my advise.

I thought everything was already okey except the pain I had with my father..Not until I was already in the airport when I received call from my mom na sumama na naman ang kapatid ko sa lalaki..I stopped for a while and realized that everything that she promised was a big lie..It's game over.I know time will heal all wounds but for now I don't want to see her face baka pag makita ko siya ilalabas ko sa kanya ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko para lang matustusan ko ang pag-aaral niya at lahat ng luho niya, that's it I raised my flag and surrender, I have already done everything I can. Nagpapasalamat na rin ako na umuwi ako at hindi ako nagkulang ng paalala sa kanya so she has nothing to regret.I told my mom to just be calmed and we have to move on. We lay our cards to her and she decides what she wants. Si God na lang bahala sa kanya. In my own strength I already gave my best shot. I texted her to never text me ever again.Huwag siyang magpakita sa akin kasi sasampalin ko siya ng paulit ulit. I need to change my number so she will not have contact with me anymore. After that call I need to take my flight, I realized I revolved my life around my family and I have my own life to live. Kasabay ng paglipad ng eroplano ay sabay din ng aking paglipad bilang ako para sa sarili ko. Sabay tingin sa ulap that there are so many beautiful things out there, I need to take a step for myself and move on with my life. There are good things instore for me and I need to hold on...

Sunday, December 5, 2010

Pangit Ba Ako?

Pangit Ba Ako?

Andito na naman ako nakakainis pero naisip ko lang kasi nag eemote na naman ako. Andami ko kasing kaibigan daw pero hindi ko talaga alam kung kaibigan ko sila o hindi. Ako ay simpleng tao lamang friendly naman akong tao madali namang makagaanan ng loob pero parang wala akong kaibigan. Hindi naman ako bait baitan pero ako'y likas lang talagang ganito walang halong pagkukunwari transparent akong tao what you see is what you get. Siguro ako'y isang introvert, nanghihina ako kung ako'y exposed sa maraming tao parang effort talaga sa akin na magpaka-belong sa isang grupo.

Pag ako'y nag status sa facebook wala man lang nag rereact! Isang araw nasira phone ko naerase lahat contacts ko so nag status ako na text niyo na lng ako with ur name. Naku sa 538 kong kaibigan dalawa lng ang nagtxt! starting nun hindi na ako sumasabay sa lakad, lahat ng mga christmas parties hindi ako aatend! Mas gusto ko pang mag-isa kaysa naman sayangin ko lang ang pakikitungo ko sa mga taong hindi naman ako pinapahalagahan. Hindi naman ako possesive na kaibigan, narealize ko lang na magfocus na lang ako sa buhay ko kung ano ang gusto kong gawin tutal sanay na naman akong independent pero sa kaibuturan ng aking budhi ako ay nalulungkot dahil walang umalalay sa akin pag nalulungkot ako, nasanay akong mag-isang pumunta ng simbahan,kumain sa food court mag-isa,mag lunch ng 3pm dahil ako lang mag-isa kumain sa pantry,mag-isang manood ng sine at manood ng concert! Feeling ko ang mga kaibigan ko lang ay ang aking mga kapatid pero kahit man sila ay nagbabago din kasi tumatanda din at nasa probinsiya silang lahat mag-isa lang ako dito sa Manila.

Ang dami kong kaibigan nung nag-aaral pa ako kasi siguro hangad lang nila na magpaturo at mangopya. Ngayon naman dahil ba maganda ang pinapasukan kong trabaho lapitin na ako ng mga kaibigan ko daw? Hello hindi ako ganun kababaw mag-isip para hindi ko sila mahalata. Ayaw kong mapabilang sa mundo ng pagkukunwari! Mababaw lamang ang aking kaligayahan basta ok ka sa akin ok din ako sayo, wala akong pinipili basta mabait ka lang at malinis ang hangarin. Minsan nilalayo ko na lang ang sarili ko sa isang grupo pag feeling ko naging close na ako kasi ayaw kong masaktan kasi naging pattern na rin na kapag nag invest na ako ng tiwala sa isang grupo bigla na lang akong nabitawan. Sa isang kasal hindi man lang ako naalalang iinvite tapos ako pa daw itong others?!! Sa office pag may mahirap na assignments walang ibang options kundi ay ako lamang, pag may naka offend sa akin ang laging sinasabi iintindihin ko lang kasi mas ako yung nakakaintindi. Hello! manhid ba ako? Wala na ba akong karapatang masaktan? Ayaw kong dumating sa punto na hindi ko na alam ang pagkakaiba sa tamang emosyon at mali, ayaw kong dumating isang araw na hindi ko na alam kung ano na ang feelings ko sa isang bagay dahil sa mga bagay na kailangan ko dawng intindihin.

Kaya minsan napaisip din ako pangit ba ako? Bakit nauumay ang mga tao sa akin? Siguro dahil hindi sila ang tawag ng magiging totoong kaibigan ko. Minsan ako'y nag-iisa masaya pero kahit papaano may mga times na nalulungkot din. Naisip ko ba ang mga bagay na ito dahil panahon na para ako'y magka girlfriend? Sa akin ang isang relasyon ay sagrado, kung mali ang pananaw ko dito ay huwag ko na lang munang tatahakin baka hindi ko mapanindigan.Papasok ako sa isang relasyon hindi dahil malungkot ako kundi dahil mahal ko siya.

Naisip ko rin hindi kaya mataas ang standard ko sa pagpili ng isang kaibigan? Natural lang dahil buhay ko ang iaalay ko sa totoo kong kaibigan. If you are worth as my friend then you are worth of my life. Dumating din sa punto na napapagod din akong maging totoong kaibigan sa mga taong wala namang pakialam sa akin o kaya'y civil lang ang turing sa akin. Ayaw kong maging vocal sa nararamdaman ko dahil ang sagwa hindi naman ako desperado ayaw kong maging ganun gusto ko kusa silang maging totoo na hindi na kailangang magbuwis ng sentimento dahil doon nasusukat and tunay nilang hangarin.

Ako'y sadyang tahimik na tao, palangiti, maraming tumitingala (assuming lolz) pero namimiss din ang totoong halakhak. Pero pangit ba ako?dahil ba simple at mahirap lang ako? Ang pagkakaalam ko mahirap ako sa ngayon pero kung sa pangit maaaring OO maaring HINDI pero conciously or unconciously naging batayan din natin ito sa paghahanap ng kaibigan dahil hinimok ng makamundo ang ating kaisipan basta ang sa akin pag kaibigan mo ako kaibigan din kita!

Thursday, November 11, 2010

Old Note

Hi,

Mzta? I don't know sometimes i don't want to write things anymore coz it only drained me emotionally, but I want to.i want to express how i feel right now, maybe because it's been years already and many things have changed. My parents gets older and my siblings gets older as well. I remember when i was young i always wanted to help my family, my siblings were still young then, i am like grade three?at that age im already so concerned of my family, hearing my parents fight all the time and shouts so loud that keeps me inside the house, the insecurity started to birth, im ashamed going out, neighbors and even relatives would talk behind our backs, i don't play to children my age, i would just stay at home and be with my siblings and take care of them in a very silent and dark room..

Now that i grow old, im still into my siblings supporting them in their studies almost everything, i am supporting two high schools and three colleges with my dad's regular medicines and the basic necessities at home, financially i am the only one they can depend. i'm happy that i have work that enables me to support all their needs but sometimes i get choked and wonder what i got into..it reach to the point that I even go into debt to meet all needs...

One is graduating..im happy that they are in school now, they have to focus solely in school unlike my time i need to work as a janitor in a school to support my studies...

I still need to hold on, our youngest is still third year high school and my parents gets older and sick..

I thought im just by myself, but i realized that my journey began with God even from the very beginning...even from those times of obscurity.

And my journey will go on and on..so confident that I will be able to finish the race to the end, knowing that I have SOMEONE my side..

Wednesday, September 8, 2010

My First Blog

Hello Blog World! Here I am! Paano ba ako napasabak dito? Mejo efficient lang sa office tapos may time pa para magbasa ng mga kakaibang sites.Until explore ako ng explore sa google at may mga sumusulpot na interesting. Nakakatuwa lang na may mga tao na talagang todo sigaw sa kanilang mga gawain, karanasan o nararamdaman..

Pero napaisip din ako..paano ako mag blog? I could not express my thoughts well..haha english eto! ayaw ko mag english baka mabasted ng mga kilay diyan ang aking mga grammar..ayos lang at least hindi nila ako kilala..parte ng buhay ang imperfections..gusto kong maging totoo sa buhay ko..pero ikukubli ko muna ang tunay kong katauhan.Gusto kong magustuhan ako dahil sa mga sinusulat ko at hindi dahil kilala nila ako!

Anyways ako'y lubusang masaya dahil finally i landed myself in a blog world which i find it so exciting..i hope i could meet people that I could share same interests, thoughts and experience..

Gusto ko muna palang mag introduce sa sarili ko...ako ay kasalukuyang nagtrabaho sa international bank dito sa Manila, 5 yrs na akong working and nag eenjoy pa naman sa buhay empleyado, hindi naman mayaman pero above average naman ang aking natatanggap sa pamumuhay.Mejo seryoso ako sa unang tingin, makunwari mong matalino hahaha pero ewan ko ayaw kong maghagis ng kahanginan dito..wala kang mapapawing hangin sa buhay ko..simple lang ako pero palaisip..sobrang tahimik at may sense kausap..kung kalog ka pwede akong makasabay sayo..kung seryoso ka naman yun ang forte ko..

Maalaala Mo Kaya ang buhay ko. I can say I find my life so inspiring..rags to riches kumbaga ang drama..pero hindi pa naman ako rich parang ganun lang ang level ng kwento ko. Ordinary kid from a far away village sa Mindanao..tapos salamat sa Panginoon at ako'y napadpad sa isang sikat na university sa aming rehiyon..marami din akong pinagdaanan sa buhay.feeling ko pwede na akong maging artista dahil hindi na effort sa akin maging emo, nasa sistema ko na.andaming mga bagay akong iniyakan..hinuhubog ng panahon ang pagiging artistahin ko hahaha.nakakatuwa naman pinagtatawan ko na lang ngayon, kaya mga kapatid kung ika'y naghihirap ngayon ok lang yan huwag kang panghinaan ng loob, huwag kang mag give up balang araw pagtawanan mo rin ang lahat na may halong luha kumbaga tears of joy!

Sana meron man lang akong iilan dito na magugustuhan ang aking sinusulat para naman ganahan akong sumulat at magbubungkal ng karanasan sa buhay ko.Sana man lang may magwelcome sa akin..okey lng masaya na rin ako na may outlet ako sa pagsusulat..lahat ilalahad ko dito na sana may kahihinatnan at mag-iiwan ng legacy sa buhay..hahaha

Basta ang masasabi ko lang marami kayong magagandang mapupulot sa sa king mga kwento. Sana mag enjoy kayo at mapaisip pagkatapos basahin ang blog na ito. There's something to ponder on after.