Sunday, December 5, 2010

Pangit Ba Ako?

Pangit Ba Ako?

Andito na naman ako nakakainis pero naisip ko lang kasi nag eemote na naman ako. Andami ko kasing kaibigan daw pero hindi ko talaga alam kung kaibigan ko sila o hindi. Ako ay simpleng tao lamang friendly naman akong tao madali namang makagaanan ng loob pero parang wala akong kaibigan. Hindi naman ako bait baitan pero ako'y likas lang talagang ganito walang halong pagkukunwari transparent akong tao what you see is what you get. Siguro ako'y isang introvert, nanghihina ako kung ako'y exposed sa maraming tao parang effort talaga sa akin na magpaka-belong sa isang grupo.

Pag ako'y nag status sa facebook wala man lang nag rereact! Isang araw nasira phone ko naerase lahat contacts ko so nag status ako na text niyo na lng ako with ur name. Naku sa 538 kong kaibigan dalawa lng ang nagtxt! starting nun hindi na ako sumasabay sa lakad, lahat ng mga christmas parties hindi ako aatend! Mas gusto ko pang mag-isa kaysa naman sayangin ko lang ang pakikitungo ko sa mga taong hindi naman ako pinapahalagahan. Hindi naman ako possesive na kaibigan, narealize ko lang na magfocus na lang ako sa buhay ko kung ano ang gusto kong gawin tutal sanay na naman akong independent pero sa kaibuturan ng aking budhi ako ay nalulungkot dahil walang umalalay sa akin pag nalulungkot ako, nasanay akong mag-isang pumunta ng simbahan,kumain sa food court mag-isa,mag lunch ng 3pm dahil ako lang mag-isa kumain sa pantry,mag-isang manood ng sine at manood ng concert! Feeling ko ang mga kaibigan ko lang ay ang aking mga kapatid pero kahit man sila ay nagbabago din kasi tumatanda din at nasa probinsiya silang lahat mag-isa lang ako dito sa Manila.

Ang dami kong kaibigan nung nag-aaral pa ako kasi siguro hangad lang nila na magpaturo at mangopya. Ngayon naman dahil ba maganda ang pinapasukan kong trabaho lapitin na ako ng mga kaibigan ko daw? Hello hindi ako ganun kababaw mag-isip para hindi ko sila mahalata. Ayaw kong mapabilang sa mundo ng pagkukunwari! Mababaw lamang ang aking kaligayahan basta ok ka sa akin ok din ako sayo, wala akong pinipili basta mabait ka lang at malinis ang hangarin. Minsan nilalayo ko na lang ang sarili ko sa isang grupo pag feeling ko naging close na ako kasi ayaw kong masaktan kasi naging pattern na rin na kapag nag invest na ako ng tiwala sa isang grupo bigla na lang akong nabitawan. Sa isang kasal hindi man lang ako naalalang iinvite tapos ako pa daw itong others?!! Sa office pag may mahirap na assignments walang ibang options kundi ay ako lamang, pag may naka offend sa akin ang laging sinasabi iintindihin ko lang kasi mas ako yung nakakaintindi. Hello! manhid ba ako? Wala na ba akong karapatang masaktan? Ayaw kong dumating sa punto na hindi ko na alam ang pagkakaiba sa tamang emosyon at mali, ayaw kong dumating isang araw na hindi ko na alam kung ano na ang feelings ko sa isang bagay dahil sa mga bagay na kailangan ko dawng intindihin.

Kaya minsan napaisip din ako pangit ba ako? Bakit nauumay ang mga tao sa akin? Siguro dahil hindi sila ang tawag ng magiging totoong kaibigan ko. Minsan ako'y nag-iisa masaya pero kahit papaano may mga times na nalulungkot din. Naisip ko ba ang mga bagay na ito dahil panahon na para ako'y magka girlfriend? Sa akin ang isang relasyon ay sagrado, kung mali ang pananaw ko dito ay huwag ko na lang munang tatahakin baka hindi ko mapanindigan.Papasok ako sa isang relasyon hindi dahil malungkot ako kundi dahil mahal ko siya.

Naisip ko rin hindi kaya mataas ang standard ko sa pagpili ng isang kaibigan? Natural lang dahil buhay ko ang iaalay ko sa totoo kong kaibigan. If you are worth as my friend then you are worth of my life. Dumating din sa punto na napapagod din akong maging totoong kaibigan sa mga taong wala namang pakialam sa akin o kaya'y civil lang ang turing sa akin. Ayaw kong maging vocal sa nararamdaman ko dahil ang sagwa hindi naman ako desperado ayaw kong maging ganun gusto ko kusa silang maging totoo na hindi na kailangang magbuwis ng sentimento dahil doon nasusukat and tunay nilang hangarin.

Ako'y sadyang tahimik na tao, palangiti, maraming tumitingala (assuming lolz) pero namimiss din ang totoong halakhak. Pero pangit ba ako?dahil ba simple at mahirap lang ako? Ang pagkakaalam ko mahirap ako sa ngayon pero kung sa pangit maaaring OO maaring HINDI pero conciously or unconciously naging batayan din natin ito sa paghahanap ng kaibigan dahil hinimok ng makamundo ang ating kaisipan basta ang sa akin pag kaibigan mo ako kaibigan din kita!

Thursday, November 11, 2010

Old Note

Hi,

Mzta? I don't know sometimes i don't want to write things anymore coz it only drained me emotionally, but I want to.i want to express how i feel right now, maybe because it's been years already and many things have changed. My parents gets older and my siblings gets older as well. I remember when i was young i always wanted to help my family, my siblings were still young then, i am like grade three?at that age im already so concerned of my family, hearing my parents fight all the time and shouts so loud that keeps me inside the house, the insecurity started to birth, im ashamed going out, neighbors and even relatives would talk behind our backs, i don't play to children my age, i would just stay at home and be with my siblings and take care of them in a very silent and dark room..

Now that i grow old, im still into my siblings supporting them in their studies almost everything, i am supporting two high schools and three colleges with my dad's regular medicines and the basic necessities at home, financially i am the only one they can depend. i'm happy that i have work that enables me to support all their needs but sometimes i get choked and wonder what i got into..it reach to the point that I even go into debt to meet all needs...

One is graduating..im happy that they are in school now, they have to focus solely in school unlike my time i need to work as a janitor in a school to support my studies...

I still need to hold on, our youngest is still third year high school and my parents gets older and sick..

I thought im just by myself, but i realized that my journey began with God even from the very beginning...even from those times of obscurity.

And my journey will go on and on..so confident that I will be able to finish the race to the end, knowing that I have SOMEONE my side..

Wednesday, September 8, 2010

My First Blog

Hello Blog World! Here I am! Paano ba ako napasabak dito? Mejo efficient lang sa office tapos may time pa para magbasa ng mga kakaibang sites.Until explore ako ng explore sa google at may mga sumusulpot na interesting. Nakakatuwa lang na may mga tao na talagang todo sigaw sa kanilang mga gawain, karanasan o nararamdaman..

Pero napaisip din ako..paano ako mag blog? I could not express my thoughts well..haha english eto! ayaw ko mag english baka mabasted ng mga kilay diyan ang aking mga grammar..ayos lang at least hindi nila ako kilala..parte ng buhay ang imperfections..gusto kong maging totoo sa buhay ko..pero ikukubli ko muna ang tunay kong katauhan.Gusto kong magustuhan ako dahil sa mga sinusulat ko at hindi dahil kilala nila ako!

Anyways ako'y lubusang masaya dahil finally i landed myself in a blog world which i find it so exciting..i hope i could meet people that I could share same interests, thoughts and experience..

Gusto ko muna palang mag introduce sa sarili ko...ako ay kasalukuyang nagtrabaho sa international bank dito sa Manila, 5 yrs na akong working and nag eenjoy pa naman sa buhay empleyado, hindi naman mayaman pero above average naman ang aking natatanggap sa pamumuhay.Mejo seryoso ako sa unang tingin, makunwari mong matalino hahaha pero ewan ko ayaw kong maghagis ng kahanginan dito..wala kang mapapawing hangin sa buhay ko..simple lang ako pero palaisip..sobrang tahimik at may sense kausap..kung kalog ka pwede akong makasabay sayo..kung seryoso ka naman yun ang forte ko..

Maalaala Mo Kaya ang buhay ko. I can say I find my life so inspiring..rags to riches kumbaga ang drama..pero hindi pa naman ako rich parang ganun lang ang level ng kwento ko. Ordinary kid from a far away village sa Mindanao..tapos salamat sa Panginoon at ako'y napadpad sa isang sikat na university sa aming rehiyon..marami din akong pinagdaanan sa buhay.feeling ko pwede na akong maging artista dahil hindi na effort sa akin maging emo, nasa sistema ko na.andaming mga bagay akong iniyakan..hinuhubog ng panahon ang pagiging artistahin ko hahaha.nakakatuwa naman pinagtatawan ko na lang ngayon, kaya mga kapatid kung ika'y naghihirap ngayon ok lang yan huwag kang panghinaan ng loob, huwag kang mag give up balang araw pagtawanan mo rin ang lahat na may halong luha kumbaga tears of joy!

Sana meron man lang akong iilan dito na magugustuhan ang aking sinusulat para naman ganahan akong sumulat at magbubungkal ng karanasan sa buhay ko.Sana man lang may magwelcome sa akin..okey lng masaya na rin ako na may outlet ako sa pagsusulat..lahat ilalahad ko dito na sana may kahihinatnan at mag-iiwan ng legacy sa buhay..hahaha

Basta ang masasabi ko lang marami kayong magagandang mapupulot sa sa king mga kwento. Sana mag enjoy kayo at mapaisip pagkatapos basahin ang blog na ito. There's something to ponder on after.