Tuesday, September 20, 2011

ISANG TAON NA AKO!

Wow isang taon na pala ang blog ko at apat pa lang ang entries! Masaya naman kahit hindi ko masyado binibisita ang blog ko naka 134 views na ako! Sana naman sa 134 na ito kumaway naman kayo sa akin at hindi ako suplado hehe. Musta naman? Binasa ko ulit ung mga sinulat ko dito at ang ganda ng pakiramdam na na capture ko ang emotion sa mga panahong iyon. Medyo madami pa akong gustong ibahagi yung ipapakita ko ang totoong ako kaso nga lang busy ako sa trabaho at ano pang anik anik. Last week lang ay umuwi ako sa probinsya ewan ko ba everytime uuwi akong probinsya nagiging emotero ako pagadating ng maynila, iba kasi ang pag goodbye ng parents ko sa akin, kung sa iba parang matching tears na beso beso sa akin matching tears din naman dahil sa bugso ng pagkagalit. Sigawan ng mama at papa ko na halos itapon na nya ang sungkod sa akin, ganun sila ka sweet! Ewan ko ba sinabihan ko nga papa ko ano ba ginawa ko at ganun kayo kagalit sa akin. Napatanong din ako bakit kaya galit parati si papa sa akin. Kung ako excited sa pag uwi sila excited lang ata kung ano pwede mabigay sa kanila. Ano bang merun sa mukha ko at ang bilis lng nilang magalit sa akin. Wala naman akong matandaang may ginawa akong mali. Siguro ang mali ko lang mahirap lang ako, madami akong kapatid na pinag aral at ang matira sa kanila ay kunti na lng. Pero hindi naman ako nagkulang sa pagbili ng isang sakong bigas every 15th day. Yung tricycle naman may araw araw silang makukuha sa renta, mayrun din naman silang pension. Kung tratuhin ako ng tatay ko parang wala akong naitulong sa kanya. Nagbulag bulagan sila sa mga gingawa ko, sa mga sakrispisyo ko, hindi na rin ako bumabata pero nakatuon pa rin ang attention ko sa kanila. Yung mga ganung pangyayari parang sanay na rin ako, pagkatapos ng hindi pagkakaunawaan ay magiging ok lahat. Niintindihan ko sila kasi magulang ko parin, walang ibang taong nakakaintindi sa kanila maliban sa amin. Kumbaga sa kompanya, parang mga power trippers sila na bossing, dahil ba magulang sila madali na lang sa kanila na sigawan ka?Nakakalungkot din kasi narerealize ko indi kaya dahil sobrang understanding ko kaya ganun sila sa akin. Nakakapagod din pero kailangan kong magpatuloy alang alang sa mga kapatid ko na nag aaral pa. Pakiusap ko lang sa mga kapatid ko na sana magpursigi sila sa kanilang pag aaral habang kaya ko pa silang pagsikapan. Huwag sana silang magaya sa isa kong kapatid na pagkatapos mag aral ng kolehiyo ay nag aasawa agad sa isang mapagpanggap na marine kuno. Ngayon malaki na ang tyan at pareho silang standby sa bahay. Andun na ako mabait pero anong magagawa ng pagiging mabait kung standby ka lng? Kaya indi ko na sya kinausap nung umuwi ako imbes na pagsampalin ko sya, deadma na lng sya sa paningin ko. Naaawa ako sa kalagayan niya pero kailangan kong I-control ang sarili ko kasi aabusuhin na naman ako. Yan ang naging desisyon niya sa buhay kaya paninindigan nya yun. Nag sarili sya sa kasarapan huwag naman niya kaming idamay sa kahirapan. Naawa ako ng sobra sa kanya pero kailangan kong magtimpi kasi paano yan tatanda na lng ba ako sa buhay na forever silang tutulongan sa lahat? Ayaw kong kaawaan ko ang sarili balang araw. Gusto ko ring magkaroon ng sariling buhay. Gusto kong makapagpondar ng mga pangarap ko sa buhay. Hindi na rin ako bumabata kaya pahalagahan nila ang tulong ko sa kanila sa ngayon. Gusto ko lang silang magkaroon ng magandang buhay, sana ipakita naman nila sa akin na its all worth the sacrifice! Hindi naman pwedeng basta makatapos lng sana tuparin nila ang pangarap nila sa buhay, sa aming lahat. Para sa kanila din naman lahat yun. Hindi ako naghihingi ng kabayaran gusto ko lang mapabuti ang buhay nila. Hindi naman kami mayaman kaya alam kong nagnais din nilang mabago buhay nila, huwag silang madulas sa tukso ng buhay, labanan nila ang hirap, labanan nila ang tukso, isipin nila ang paghihirap ko, isipin nila ang buhay nila. Alam kong mahirap pero kailangan nilang labanan ang buhay. Sabi nila indi daw sila kasing talino ko kaya huwag akong magkumpara. Ako'y naniniwala na ang talino ay hindi pinagkait kahit kanino, nasa bawat isa yan, kailangan mo lng isiping mahusay ang buhay kung paano ka mamuhay ng may dangal at higit sa lahat pananalig sa Diyos.

Minsan naisip ko kailangan ko ring respetuhin ang sarili ko. Madami akong pinagkait sa buhay ko pati ba naman respeto ay ipagkait ko pa sa buhay ko?Sana naman huwag nilang ipagkait sa akin yun kasi namuhay naman akong mabuting anak, kapatid at tao. Ako'y simple lang, simple akong mamuhay, pero matayog ang pangrap sa buhay. Akala ko pasensyoso akong tao pero napakabigat na salita pala niyan, wala pala ako niyan kasi nasubukan ang pasensya ko sa pagsubok at tila gusto kong magpakawala pero naisip ko kawalan ko rin kung magpatalo ako. Kailangan ko pa ring lumaban hindi dahil sa pamilya ko kundi dahil sa buhay ko. Dapat mahalin ko rin ang buhay ko dahil at the end of the day kahit sarili mong pamilya ay pwede ka nilang saktan. Make reservation for yourself so that incase no one's left you to be your side, you have yourself to keep you going. Kaya yun yung nagbukas sa diwa ko ngayon na mahalin ko ang sarili ko. Sikapin mong maging masaya kahit mahirap. Ayaw kong dumating ang oras na maiba ang landas ko dahil sa bugso ng galit. Maging mahinahon sa buhay. Mayrun at mayroon pa ring nagmamahal sa iyo kahit papano. Isipin mo sila, sila ang unang masasaktan pag ika'y nasasaktan. Kahit hindi mo man sila kilala o nakikita na mahal ka nila, isipin mong meron. What you sow is what you reap. Kahit papano'y namuhay ka naman ng mabuti kaya may mabuting loob din na babalik sayo. At alam kong mahal ako ng Diyos gaano man ako kasama, iyon ang panghahawakan ko mahal ako ng Diyos at sya ang unang masasaktan pag pinbayaan ko ang sarili ko.

No comments:

Post a Comment